Bong papayag bang mag-guest sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco?


TIGIB ng saya ang puso ni former Sen. Bong Revilla Jr. na makasama muli ang entertainment media outside the PNP Custodial Center sa ginanap na get-together lunch for him last Wednesday.

Apat na taon din ang inilagi ni Bong sa loob ng Camp Crame at paminsan-minsan ay nadadalaw siya doon ng mga very close friends niya from showbiz. Kaya naman paglabas ni Bong, excited na ang mga kaibigan niya na ma-meet siyang muli.

Thanks to the two beautiful matriarchs sa showbiz na sina Manay Ichu Vera Perez and Regal Films producer Mother Lily Monteverde na siyang nag-host ng get-together ni Bong with the entertainment media.

Ganadung-ganado si Bong tsumika at doon ay kinumpirma niya ang pagtakbo niyang muli bilang senador sa nalalapit na eleksyon. He will run under Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats) party.

Excited na rin siyang gumawa ng pelikula. In fact, habang nasa loob ng PNP Custodial Center ay nakagawa siya, with the help of some writers, ng limang scripts.

Among the five scripts, may napili na siya kung alin dito ang gagawin niya as his comeback film. Ayaw pa niyang i-reveal kung ano ang tema ng first movie na gagawin niya this year. Basta surprise raw at dapat abangan.

Pero kung mabibigyan ng chance si Bong, gusto raw niyang maging leading lady sa comeback movie niya ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray, “Oo, comeback ko, Catriona kaagad ‘no. Why not?” nakangiting sabi ni Bong.

Type rin ni Bong na makasama sa movie sina Vice Ganda, Maine Mendoza at Pia Wurtzbach.

Nakaplano na rin daw ang gagawin niyang movie na isasali sa Metro Manila Film Festival this year, “Gusto ko fantasy ‘yung movie ko for MMFF. Parang nakita ko na nami-miss din ng mga kabataan ngayon ‘yun. Medyo siguro mahal (production cost), but kailangan ‘yung ibabayad nila worth.”

Agree rin siya sa possibility na maka-team-up si Coco Martin sa isang movie for MMFF, “Pwede. Pwede ring Vice Ganda. Pwede kahit sino. Kung sino ‘yung gustong kumuha sa akin. Ha-hahaha!”

On his TV career, nilinaw niya na nag-lapse na ang kontrata niya with his former network. Kaya open siya to work with any TV station. But on the second thought, mas maigi raw na huwag muna siyang tumanggap ng project sa TV, “After election na, but I’m (still) thinking. Pag-isipan muna.”

But what if alukin siya ni Coco na mag-special appearance sa top-rating action drama series nitong FPJ’s Ang Probinsyano? Tumawa nang malakas si Bong sabay sabing, “Kayo, ha!”

May nagbanggit naman na baka malapit nang matapos na ang pulis-serye ni Coco, “E, kung patapos na siya, eh ‘di, sana kung simula. Baka sabihin ako ang nagtapos. Parang hindi maganda ako ang nagtapos. Ha-hahaha! Baka sabihin ako ang nagsara,” natatawang sabi ni Bong.

q q q

Nagbabalik ang Singkuwento International Film Festival Manila Philippines (SIFFMP) this year. Ang SIFFMP’s founder and festival director ay ang independent filmmaker na si Perry Escano.

In line with the celebration of the 100th year of Philippine Cinema and the National Arts Month this February, ang ikaapat na edisyon ng SIFFMP ay magaganap sa Feb. 15 to 22 sa NCCA Theater sa Intramuros, Manila presented by MPJ Entertainment Productions, in cooperation with Asian Television Content.

Ang five full length films na kasali ay ang “Kapayaan sa Gitna ng Digmaan” directed by Nestro Malgapo, Jr. na pinagbibidahan nina Richard Quan, Celina Talavera at Christopher Roxas; “Promdi” directed by Charlotte Dianco starring Kiko Estrada, Shaira Diaz and Chris Leonardo; “Rendezvous” ni Marvin Gabas starring Gina Pareño, Patani Dano and Jiana Aurigue; “Playground” directed by Dave Cecili starring Neptali Toribio, Buboy Villar, Lance Raymundo and Rosanna Roces; and “Pur laine” sa direksyon ni Alexander Cruz na ang cast members ay sina Christian Paolo Lat, Celestine Caravaggio and Isabelle Lafond.

Nakausap namin ang bida ng isa sa mga entry na si Richard after ng presscon at doon nilinaw niya kung bakit ‘di niya tinanggap ang kanyang talent fee for their film “Kapayaan sa Gitna ng Digmaan.”

“Linawin ko lang, nagpapabayad po ako. May budget naman kaya lang ‘yung production value kailangan pahalagahan. Tapos pagkabasa ko nu’ng script, sabi ko, sayang naman kung hindi authentic lahat ‘yung mga gagamitin.

“Sabi ko may budget naman ako sa movie as actor. Sabi ko sa kanila, gamitin na lang kasi lahat ng elemento sa pagtanggap ng film nandoon sa akin, e. Kaibigan ko ‘yung direktor. Naniniwala ako sa materyal. Maganda ‘yung intensyon. Kaya sabi ko sige, sacrifice na lang natin ‘yung TF ko, ganoon ang nangyari,” aniya pa.

Read more...