Police-military ‘asset’ nilikida

NASAWI ang isang magsasaka na “asset” umano ng pulisya’t militar, nang pagbabarilin ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army, sa Sorsogon City, nitong Biyernes.

Dead on the spot si Nicasio “Boknoy” Ebio, 37, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Supt. Alejandro Monge, tagapagsalita ng Sorsogon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga, sa Brgy. Bato, Bacon district.

Nakikipagkuwentuhan si Ebio sa mga kapitbahay sa isang waiting shed, nang dumating ang apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Bumunot ng baril ang isa sa mga lalaki, kaya nagpulasan ang mga kasama ni Ebio.

Kasunod nito’y bumaba ang mga naka-motor at pinagbabaril na si Ebio.

Kilala si Ebio bilang dating courier at kolektor ng NPA, pero sa huli’y naging asset ng pulisya’y militar, ani Monge.

Pinaniniwalaang pinatay siya ng NPA matapos paghinalaan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga tropa ng pamahalaan, aniya. 

Read more...