Singer nanawagan kay Mega para sa inang may sakit

January 12,2019
share this

Singer nanawagan kay Mega para sa inang may sakit

January 12,2019
share this

SHARON CUNETA

NANAWAGAN kay Sharon Cuneta ang singer na si Natasia Cunanan, isa sa mga finalist noon sa reality singing search ng ABS-CBN na Star Power.

Ang Megastar ang naging host ng nasabing programa noong 2011 kung saan nanalo si Angeline Quinto. May benefit concert ngayon si Natasia para sa inang may brain tumor.

“Actually, naoperahan na siya before with the help of Miss Sharon. Nu’ng nalaman niya kung bakit ako sumali sa Star Power, sinabi ko na para mapagamot ang mother ko. Binulungan niya ako, ‘Win or lose ako na bahala sa mama mo.’ Ngayon po nag-recur yung tumor at nagkaroon ng infections,” ani Natasia sa panayam ng ABS-CBN.

“Sana po, mabigyan ng chance na makarating sa kanya itong condition ni Mama,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending