ABS-CBN naghari sa buong 2018; trono ni Coco sa primetime walang nakaagaw

ABS-CBN ang pinakapinanood na network noong 2018 pagdating sa paghatid ng makabuluhang balita at kwentong puno ng aral matapos magkamit ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Buong taong tinutukan sa bawat sulok ng bansa ang ABS-CBN, partikular na sa Mega Manila sa pagtala nito ng average audience share na 36%, at maging sa Metro Manila sa pagrehistro nito ng 42%.

Nanguna rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 40%; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 53%; at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 52%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Namayagpag din ang ABS-CBN sa listahan ng pinakapinanood na programa nitong 2018 – 16 sa programa nito ang nakapasok sa top 20, sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano (41.2%) ni Coco Martin.

Kasama rin sa listahan ang Pilipinas Got Talent (38.1%), Your Face Sounds Familiar Kids (33.3%), Bagani (31.8%) nina Liza Soberano at Enrique Gil, La Luna Sangre (31.4%) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, TV Patrol (30.5%), Ngayon At Kailanman (28.8%), MMK 25 (27.2%), at The Kids’ Choice (26.2%).

Nanguna rin noong 2018 ang Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home Walang Kapares (23.4%), Wildflower (23.3%), Home Sweetie Home (23.2%), Halik (22%), Meteor Garden (21.6%), at Rated K (19.8%).

Samantala, tinutukan din ang ABS-CBN sa bawat time blocks noong 2018, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng 49%.

Panalo rin ang Kapamilya Network mula Enero hanggang Disyembre sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagrehistro nito ng average audience share na 38%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagkamit nito ng 44%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagtala nito ng 43%.

Read more...