2019 Batang Pinoy qualifying legs kasado na

BATANG PINOY MOA SIGNING. Naghawak kamay sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez (ikaapat mula sa kaliwa), Iloilo City Sports coordinator Moises Salomon (ikalima mula sa kaliwa), Davao del Norte Provincial Government Department chief and Provincial Sports & Youth Development head Giovanni Gulanes (ikatlo mula sa kaliwa) at Ilagan City General Services Officer Ricky Laggui (ikalawa mula sa kaliwa) sa ginanap na memorandum of agreement signing para sa hosting ng 2019 Batang Pinoy qualifying legs Biyernes sa PSC Conference Room. REY NILLAMA

NAKALATAG na ang mga qualifying leg ng grassroots sports development program ng Philippine Sports Commission (PSC) na Philippine National Youth Games-Batang Pinoy ngayong taon.

Ito ay matapos na pirmahan ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang memorandum of agreement kasama ang mga representante mula sa Davao del Norte, Ilagan City at Iloilo City na magsisilbing host ng Mindanao, Luzon at Visayas qualifying leg ng multi-sports tournament para sa 15-anyos pababa na in-school at out-of-school youth.

Inirepresenta ni Provincial Government Department chief and Youth and Sports Development head Giovanni Gulanes si Governor Antonio del Rosario para sa Davao del Norte na magsisilbing host ng Mindanao Qualifying Leg sa Pebrero 2-9.

Nagsilbing representante nina Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor, Sr. si City Sports coordinator Moises Salomon na magsisilbing Visayas qualifying leg host sa Pebrero 23-Marso 2.

Kumpleto naman ang grupo mula sa Luzon qualifying leg host Ilagan City na nirepresenta si Mayor Evelyn Diaz at ito ay sina General Services Office head Ricky Laggui, City Information Officer Paul Bacungan, Sangguniang Kabataan Federation president Nicole Balingao at track and field regional director Drolly Carvajal. Ang Ilagan City qualifying leg ay gaganapin sa Marso 16-23.

“We are sealing this partnership with our host LGUs to ensure mutual cooperation and achieve a successful staging of Batang Pinoy from Mindanao, Visayas and Luzon,” sabi ni Ramirez patungkol sa multi-sports meet na muntikan nang makansela ngayong taon bago na lamang nakiusap ang ilang local government units (LGUs) at Department of Education (DepEd) na ituloy ito dahil malaking tulong sa mga kabataan.

“It was almost cancelled because of program duplication but hiniling sa atin ng mga LGUs at DepEd mismo na ituloy dahil hindi lamang nito nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante kundi pati na ang mga out-of-school youth at ibang mahihirap na kabataan na umunlad sa sports,” sabi pa ni Ramirez.

“Our Governor Anthony Del Rosario believes that sports is a highway to the development of a country and he sees in Batang Pinoy as the best opportunity to realizing the progress of our province,” sabi naman ni Gulanes.

“Our City Mayor Evelyn Diaz express her full support on the sports development program of PSC that is why the city of Isabela is extending and is always open to all its upcoming events and activities,” ani Laggui.“On behalf of Iloilo City Mayor Jose Espinosa III, we are so proud of hosting again the Batang Pinoy meet, which he considered as the best program for our young sports heroes,” sabi ni Salomon.

Read more...