Pulse Asia: Rating ni Du30 tumaas

MAS lalo pang tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Pulse Asia noong 2018.

Nakakuha si Duterte ng 81 porsyentong approval rating mas mataas kumpara sa 75 porsyento na nakuha nito sa survey noong Setyembre. Mayroon siyang 7 porsyentong disapproval rating at 13 porsyentong undecided.

Isang porsyento naman ang itinaas ng rating ni Vice President Leni Robredo na naitala sa 62 porsyento. Siya ay mayroong 16 porsyentong disapproval rating at 21 porsyentong undecided.

Si Senate President Tito Sotto III ay tumaas din ng isang porsyento at nasa 74 porsyento na. Nanatili naman sa 6 porsyento ang kanyang disapproval rating at 20 porsyento ang undecided.

Si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay nakapagtala naman ng 27 porsyento. Siya ay mayroong 43 porsyentong disapproval rating at 30 porsyentong undecided. Ito ang unang pagkakataon na isinama si Arroyo sa survey.

Tumaas naman ng apat na porsyento ang trust rating ni Duterte na naitala sa 76 porsyento. Siya ay may anim na porsyentong distrust rating at 17 porsyentong undecided.

Nanatili naman 56 porsyento ang trust rating ni Robredo. Ang kanyang distrust ay anim na porsyento at 27 porsyento ang undecided.

Walang pinagbago ang trust rating ni Sotto na 66 porsyento. Ang kanyang distrust ay anim na porsyento at ang undecided ay 28 porsyento.

Tumaas naman ng dalawang porsyento ang trust rating ni Arroyo na nasa 21 porsyento. Ang kanyang distrust rating at 45 porsyento at ang undecided ay 34 porsyento.

Hindi naman nababahala si Arroyo sa kanyang mababang rating at sinabi na magpapatuloy lamang siya sa kanyang trabaho.

Ang survey ay ginawa mula Disyembre 14-21 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Read more...