ISANG low pressure area ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Bagamat maliit ang tyansa na ito ay maging bagyo, magdadala naman ito ng pag-ulan sa Mindanao at Visayas.
Ngayong araw ang LPA ay nasa layong 1,295 kilometro sa silangan ng Davao City, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Apektado ng buntot ng LPA ang CARAGA Region, Davao Region at Northern Mindanao. Inaasahan na aabot ang epekto ng buntot nito sa Eastern Visayas at Central Visayas.
Samantala, posibleng magkaroon ng El Nino ngayong taon. Sa unang bahagi ng Enero ay 47 probinsya na ang nakaranas ng kakulangan ng ulan.
Ang El Nino ay nangangahulugan ng mas konting ulan na maaaring magresulta sa kakulangan ng suplay ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.