WALA na yata talagang makapipigil dito kay Pangulong Duterte sa pag-atake sa mga alagad ng Simbahan.
Ngayon, hinihikayat naman niya ang the tambay sa kanto na “holdapin, patayin ang mga obispo” na dadaan sa kanilang harapan.
“Kaya pagdating ko sabi ko, “Hoy kayong mga tambay diyan, ‘pag dumaan ‘yang obispo ninyo holdapan ‘yan maraming pera ‘yan p***** i** niya. Patayin mo,” chika ni Duterte sa kanyang talumpatau sa birth anniversary celebration ni Gov. Antonio Kho sa Masbate, na tinawanan naman ng mga nakikinig sa kanya.
Gayunman, iginiit ng pangulo na wala siyang anumang masamang loob sa Simbahan at maging sa mga pari, pero tinutuligsa umano niya ang mga ito dahil sa pag-aakusa sa kanya hinggil sa extrajudicial killings.
Noong Disyembre, hinikayat ni Duterte ang publiko na patayin ang mga obispo, na ayon sa kanya, ay pawang wala namang mga silbi.
Itinanggi naman ng Palasyo na seryoso ang pangulo rito, at sinasabing pawang mga biro lamang ito.
Sa kanyang speech, inatake muli ni Duterte ang kaparian dahil ginagamit ng mga ito ang pulpito para siya ikritiko.
“Itong pari, you know, do not use the pulpit,”