Sa lahat ng mga may issue sa pagiging Filipina ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, lalo na ang ilang mga taga-Australia, may sagot na riyan ang dalaga.
Sa panayam ng Build Series kay Catriona, natanong siya kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing dapat daw ay Australia ang ni-represent niya sa Miss Universe at hindi ang Pilipinas.
“I really feel that growing up in cohesion of cultures has really made me have an open mindset about how different cultures can be,” sagot ng ikaapat na Miss U ng Pilipinas.
“It just so happened that when I was growing up, I was very much of an Australian. I think you can be both, I really did grow up with those two sides of the world. I am a Miss Philippines but I can’t blame them for being excited from really feeling the high spirits of the season too,” aniya pa.
Ipinanganak ang dalaga sa Cairns, Queensland, ang nanay niyang si Normita Magnayon ay isang Pinay habang ang amang si Ian Gray ay Scottish-born Australian.