Pinay waging Miss Tourism World 2019 Intercon


MAGANDANG pambuena-mano sa 2019 ang pagkapanalo ng Pinay beauty queen na si Francesca Taruc ng Angeles City, Pampanga sa katatapos lang na Miss Tourism World 2019 Intercontinental.

Ginanap ang grand coronation nito kamakalawa sa Nanjing, China. Bukod sa titulo at korona napanalunan din ni Taruc ang “Best Body” award matapos ang preliminary round.

Si Taruc ay isang Mass Communications degree holder and Holy Angel University alumna. Siya rin ang naging representative ng Pilipinas sa nakaraang 2018 Miss Freedom of the World na ginanap noong Hulyo..

Samantala, nakuha naman ni Miss Tatarstan ang first runner up habang second runner-up si Miss Ukraine.

Read more...