2 patay, 4 sugatan matapos araruhin ng van ang 2 tricycle sa Isabela

PATAY ang dalawang driver ng tricycle, samantalang sugatan ang apat na iba pa matapos araruhin ng isang van ang dalawang tricycle sa Barangay San Pedro–San Pablo, Aurora, Isabela, alas-4:30 ng Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya.

Nasawi sina Danilo Ancheta at Manny Balaba nang araruhin sila ng van na minamaneho ni Gregorio Tolentino, 54, ng bayan ng San Luis, Pampanga.

Malubha naman si Rolly Wania, na nakaupo sa likod ni Balaba.

Nakatulog si Tolentino habang nagmamaneho, dahilan para mag-swerve ang sasakyan at sagasaan ang dalawang nakaparadang tricycle.

Dead on arrival sina Ancheta at Balaba sa Padron Tibio Medical Center.

Nagtamo naman ng bahagyang sugat si Tolentino at kanyang mga pasahero na sina Rodel Pangilinan at Jayson.

Nahaharap si Tolentino sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicides at serious physical injuries.

Read more...