Angel sa theme song ng The General’s Daughter: Hindi ko makakanta ‘to sa mall show!


NAGPASALAMAT si Angel Locsin kay Regine Velasquez dahil pumayag itong kantahin ang theme song para sa bago niyang serye, ang The General’s Daughter.

Kinanta ng Asia’s Songbird ang “Ikaw Ang Aking Mahal” na original composition ni Ogie Alcasid sa ASAP Natin ‘To last Sunday.

Sa kanyang Instagram Story, sinabi ni Angel na may inaalala lang siya tungkol sa theme song ng TGD.

Aniya, “Thank you ate Regine & kuya @ogiealcasid for allowing #TheGeneralsDaughter to be the first teleserye in ABS na ginawan nyo po ng theme song. Such an honor. May the Lord bless you more for being so generous & so supportive.

“Goosebumps everytime kinakanta mo ang ‘Ikaw Lang Ang Aking Mahal’ ang powerful ng words at ng pagkanta. Isa lang inaalala ko, Hindi ko makakanta ‘to sa mall show!”

Read more...