Mahigit 100 na sugatan sa Traslacion

MAHIGIT 100 deboto na ang nasugatan sa pasimula pa lamang ng Traslacion Miyerkules ng umaga.

Ilan sa kanila ay nagtamo ng mga minor injuries punctures, bruises at lacerations habang pito ang naiulat na nakaranas ng major injuries alas-7.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), isang deboto ang mabilis na dinala sa kalapit na ospital para mabigyan ng mas mainam na medical assistance.

Nagsimula ang paglipat sa  “andas” ng Itim na Nazareno sa Quiapo church mula sa Quirino Grandstand alas 5:08 ng madaling araw.

Sinabi rin ng PRC, mahigit 400 deboto na ang lumapit sa kanila at humingi ng medical assistance sa pasimula pa lamang ng Traslacion.

 

Read more...