Du30 may banta sa mga hotel na nagtatapon ng dumi sa Manila Bay

NAGBANTA ngayong gabi si Pangulong Duterte sa mga hotel sa palibot ng Manila Bay na ipapasara niya ang mapapatunayang nagtatapon ng dumi sa karagatan.

“Kaya sabi ko kay Gen Cimatu pati kay Gen Año, you start cleaning the Manila Bay. And it will be, they will start to clean it. Whether you like it or not, lahat itong, itong mga hotel, iyung malabas nila iyung tae ng mga turista. Kaya ko kung tae ng Pilipino pa iyan pero kung tae ng sino-sino diyan. Lagyan niyo ng water treatment iyang hotel ninyo pag hindi sarahan ko iyan. Wag mo akong hamunin,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Pasay City.

Partikular na inatasan niya sina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na tiyakin na mapapanagot ang mga hotel na patuloy na nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay.

“E kung wala tayong turista, e di wala. Di naman tayo mamamatay. You do something about your waste there otherwise I will close you. sigurado iyan,” ayon pa kay Duterte.

Read more...