Media practitioner saan kumukuha ng budget sa byahe?

NANGHIHINAYANG ako sa samahan at adhikain ng isang media organization kung saan ilan sa kanilang mga miyembro ay kakilala ko nang personal.

Propesyunal silang maituturing pero nahaluan sila ng ilang indibiduwal na iba ang layunin at nagtatago sa tawag na “media”.

Tungkulin ng mga mamamahayag na isiwalat ang katotohanan pero ibang usapan na kapag hinaluan ito ng ibang interpretasyon na nababalutan ng propaganda ng mga komunista.

Tulad ng sumbong na aking natanggap ay isa sa mga lider ng grupong ito ay sinasabing re-affirmist ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Matagal nang patay ang anti-subversion law sa ating bansa pero hanggang ngayon ay takot na lumantad ang ilang front organizations ng komunistang grupo.

Duwag sila na ilantad sa publiko ang kanilang pagkatao kasabay ng kanilang adhikain na sinasabi nilang para sa pagkakapantay-pantay ng lahat.

Balikan natin ang kwento sa nagpapakilalang mediaman na si Mr. R, ang kanyang mga kasamahan ay nagtataka kung saan ito kumukuha ng pondo para sa madalas na byahe sa abroad.

At paano rin na ang isang nagpapakilalang mediaman ay kasama sa pagtatayo ng ilang grupo na ang layunin ay ibagsak ang pamahalaan.

Base sa sumbong ng aking Cricket ay matagal nang nakikinabang sa revolutionary tax ang ating bida na writer rin sa “Ang Bayan” na siyang pangunahin propaganda newsletter ng CPP-NPA.

Paano kayang natanggap ng ilang mga tunay na mamamahayag na sila ay napasok ng mga alagad ni Joma Sison.

Iba po ang pagsusulong ng katotohanan sa pamamagitan ng tamang pamamahayag sa pagtatanim ng doktrinang matagal nang tinalikuran ng sambayanan at lipunan.

Ang sinasabing pakawala sa isang media organization ng mga lider ng komunistang grupo ay si Mr. R…as in Raymoon

Read more...