Mula kay Gerry, ng Barangay Villaverde, Iligan City. September 17, 1990 ang birthday ko, ka-compatible ko ba ang nililigawan kong babae na may birthday na April 21, 1990 at maaari ko ba siyang maging girlfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa mga birthday ninyo, compatible kayo, at kung magtatapat ka sa kanya ng pag-ibig simula ngayon, mabilis ang magaganap – magiging girlfriend mo siya.
>>>
Mula kay Mameng, ng …1132. Paano po ba magpahula sa inyo?
Tugon ni Madam Sophia: Madali lang magpahula kay Madam Sophia: Itext ang kumpleto nyong birthday, address, pangalan at tanong.
Ganon lang pong kasimple at ito ay ipinagkakaloob sa inyon ng paborito nyong pahayagang BADERA ng libre at walang bayad!
Maraming salamat po!
>>>
Mula kay Marienne, ng San Francisco, Agusan del Sur. November 2, 1985 ang birthday ko.
Tanong ko lang po kung sakaling magpakasal ako sa boyfriend ko magiging maligaya at magiging successful kaya kami? December 12, 1975 ang birthday nya.
Tugon ni Madam Sophia: Sobrang compatible kayo dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong apoy at planetang moon.
Ibig sabihin, dahil sobra at sadyang compatible kayo sa isat-isa, tiyak na ang magaganap, sa sandaling kayo ay magpakasal, tuluy-tuloy na ang maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.