Politiko pinaghintay ang mga maysakit

KUWENTUHAN nga-yon sa mga umpukan ang ginawang pagkorner ng isang grupo na pinamumunuan ng kandidato sa 2019 elections sa mga passes sa sinehan noong Pasko.
Sa halip na sa nakagawiang lider ibigay ang mga cinema passes, ki-nuha umano ito ng iisang grupo. Sila lang ang may ‘K’ na mamigay at mamili ng bibigyan.
Kaya pala marami ang nagtatanong kung nasaan at ano ang nangyari sa mga passes.
Ang hindi malinaw, kung alam ba ng kandidato ang ginawang hoarding ng mga libreng tiket ng kanyang mga staff o kung siya ba ang nag-utos para ito ga-win.
***
May mga nayamot pala sa isang kandidato nang bumisita ito sa ospital para ‘dalawin’ ang mga batang may sakit.
Hindi naman sa ayaw ng mga pasyente at kanilang mga bantay na dumalaw ang politiko pero bakit daw kaila-ngan silang paghintayin ng ilang oras.
Alam naman daw ng kandidato na hindi maganda ang lagay ng mga pasyente kaya sana ay dumating man lang ito sa oras para hindi sila nagtagal na naka-display na parang mga paninda sa kuwarto.
Hirap na nga ang mga pasyente sa kanilang karamdaman ay pinaghintay pa sila ng matagal.
Kapag mage-eleks-yon ay pati mga pasyente ginagamit ng mga kandidato para sa propaganda.
Kung ang intensyon kasi ay tumulong, bakit hindi nalang magpadala ng tulong sa mga walang pambayad? Kailangan pa may photo ops.
***
Medyo malapit din dyan yung sinapit ng mga taong tinipon sa isang lugar para sa isang event sa isang lugar sa Metro Manila.
Inipon nila ang mga taong palaboy, namamasko at gumagala ng disoras ng gabi at pinangakuan na bibigyan ng libreng almusal.
Syempre natuwa yung mga tao dahil sila ay makakalibre.
Kaya lang tinanghali ng dating ang mga VIP na inimbitahan sa event.
Ayaw naman ng mga organizer na magpakain ng wala pa ang mga VIP kaya hintay-hintay ang kumakalam na sikmura. Ayaw din namang payagang umalis ang mga ito para makadiskarte ng pang laman ng sikmura at ng hindi na mapayapa na ang mga bulate sa kanilang tiyan.
Halos tanghalian na ng dumating ang mga VIP kaya bruch (breakfast at lunch) ang kinakabasan.

Read more...