TOTOO nga kaya ang tsikang tuluyan nang mawawala kay Tony Labrusca ang mga magagandang projects na gagawin sana niya ngayong 2019?
Isa na riyan ang upcoming Kapamilya series na Mea Culpa with Jodi Sta. Maria at ang napabalitang pagiging leading man ni Liza Soberano sa “Darna” movie?
Ayon sa nasagap naming chika, sakaling mapa-deport at hindi agad malulutas ni Tony ang isyu nito sa Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs, partikular na ang pagkakaroon ng working visa, malamang na tanggalin na siya sa mga nasabing proyekto.
Ang nakakaloka lang, kung saan-saan na napunta ang isyu. Pati ang pakikisawasaw ng mga taong nakapaligid sa kanya sa kontrobersiya, lalo na ang kanyang nanay na si A-ngel Jones ay binabatikos ng fans ni Tony dahil sa halip na makatulong ay lalo lang nadidiin ang binata.
“This is a legal matter and should be addressed within the bounds of our existing laws, huwag nang makialam yung mga walang alam sa batas,” sey ng isang eksperto na nakausap namin.
Well, sana nga ay makakuha na agad ng work permit si Tony para naman hindi masayang ang magandang nasimulan niya sa showbiz.
Tutal naman, nakapag-sorry na siya sa mga immigration officer na sinigawan niya at umamin na sa kanyang nagawang pagkakamali, baka naman pwede pa natin siyang bigyan ng second chance.
q q q
Tawang-tawa kami sa tsika ni Pokwang hinggil sa karanasan niya habang pabalik ng bansa mula sa San Francisco, USA.
Sa kuwento ng magaling na komedyana, noong boarding na sila sa eroplano ay paulit-ulit siyang tinanong ng airline staff kung siya ba talaga ang nanay ng anak niyang si Malia dahil mga mukhang foreigner ang bata.
Hindi mo naman daw masisisi ang airline officer na magtaka dahil ibang-iba talaga ang itsura ni Malia sa kanyang nanay. Sa totoo lang, nakita na rin namin minsan ang baby at imported na imported talaga ang aura nito.
Excited nga ang lahat sa paglaki ng bagets at sa araw na makapagsasalita na ito dahil baka du’n naman lumabas ang karakter ni Pokey. Ha-hahahaha!