Piolo nanginig sa tanong ni Regine; 42 na pero wala pa ring girlfriend


KUWARENTA’Y dos anyos na si Piolo Pascual sa January 12. Natural, binigyan ng importansiya ng ASAP Natin ‘To ang nineteen years nang bahagi ng Sunday show, nag-duet sila ni Regine Velasquez.

Siyempre, kailangang tanungin ang nagdiriwang ng kaarawan kung ano ang birthday wish niya, pero nagpasakalye na ang Asia’s Songbird, “Ano ba ang New Year’s resolution mo? Ang magka-girlfriend ka na?”

Ang sagot naman ni Papa P, “Ah, nanginig, e, ‘no? Ah, let’s see….” Parang naging awkward para kay Piolo ang tanong ni Regine, pero nakabawi rin naman siya agad, “Sana, magkaroon na ng kapayapaan sa mundo. World peace.”

Komento ni prop, “Hala! Nakita mo ‘yun? Napanood mo? Parang naloka si Piolo sa tanong ni Songbird! Nabigla siya, aminado si Papa P na nanginig siya sa question sa kanya ni Regine!

“Ito naman kasing si Regine, kung anu-ano ang itinatanong kay Papa P! Pero wala naman siyang malice sa tanong niya, e! Gusto lang niyang malaman kung sesentruhan na ni Papa P this year ang lovelife niya!” tawa nang tawang pagpansin ni prop.

Sobrang panahon na naman talaga para magkaroon ng karelasyon si Piolo, kuwarenta’y dos anyos na siya, kailangan na talaga niyang magpamilya.

Gusto ba niyang tumandang-binata siya? Papalag ang kanyang mga tagahanga, kailangang kumalat ang kanyang lahi, dahil sayang naman ang kaguwapuhan ni Papa P!

Read more...