Aljur wala pang balak pakasalan si Kylie: Pero may napanood ako... | Bandera

Aljur wala pang balak pakasalan si Kylie: Pero may napanood ako…

Ervin Santiago |January 09,2019
facebook
share this

Aljur wala pang balak pakasalan si Kylie: Pero may napanood ako…

Ervin Santiago - January 09, 2019 - 12:01 AM

ALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA

WALA pa talagang balak pakasalan ni Aljur Abrenica si Kylie Padilla pero may biglang nagpabago sa kanyang disposisyon sa usapin ng pag-iisang dibdib.

Sa guesting ni Aljur kahapon sa Magandang Buhay, hindi pa rin niya maipaliwanag ang kakaibang feeling ngayong kasal na sila ni Kylie.

Aniya, wala pa sa plano niya ang pakasalan ang ina ng kanyang anak na si Alas. Ano nga ba ang naging dahilan at agad-agad nga silang nagpakasal ng Kapuso actress.

“Nakita ko ‘yung mga wedding ritual. Sabi ko ang ganda nito, may basbas ng Diyos. Tapos magsasama-sama ang buong pamilya, magkakakilala sila. So, nag-decide kaming magpakasal, so importante talaga ang kasal,” unang paliwanag ni Aljur.

Nauna nang ibinalita ng aktor na dalawang linggo lang ang naging preparasyon nila sa wedding na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Pinilit din nilang matuloy agad ang kasal dahil nasa Pilipinas na noon ang ina at mga kapatid ni Kylie.

“Masayang-masaya ‘yung puso ko. Kasi simula nung nagkakilala kami ni Kylie nagbago lahat. ‘Yung first time na nakita ko siya, ‘yung pangarap ko nagbago rin, nasama na siya. Nadagdagan ‘yung pangarap ko.

“So nag-ambisyon ako noon na siya na, nag-ambisyon na rin ako na magkaroon ng sariling pamilya. Looking back nga after ng kasal namin doon namin nakita na kaya pala namin pinagdaanan yon kasi dito kami dadalhin and it’s all worth it, all worth it,” paliwanag pa ni Aljur.

Abot-langit din ang pasasalamat ni Aljur sa tatay ni Kylie na si Robin Padilla dahil sa pagmamahal at tiwala na ibinibigay nito sa kanila. Bilib na bilib din daw ang aktor sa pagiging mabuting ama ni Binoe.

“Si Papa Robin naman I respect him as a father, as a man, as an artist. Ngayon kasi hindi ko maintindihan ang pagkakaiba ng father-in-law sa tatay. Ngayon parang tatay ko na rin siya. Ganu’n siya,” chika ng Kapamilya hunk.

Hirit pa niya, “Ganu’n siya, nagte-text. Inaalam kung saan kami magha-honeymoon. Kung saan, para bigyan kami ng pocket money. Sabi ko ‘wow.’ Parang tatay talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending