PAPAYAGAN ng Light Rail Transit Line 2 ang mga nakapaang deboto ng Itim Na NAzareno na sumakay ng mga tren ng LRT2.
“LRT2 will accommodate barefooted devotees to ride the train in deference to the customary celebration of the Feast of the Black Nazarene on Wednesday, January 9, 2019,” sabi ng pamunuan ng LRT2 sa isang advisory.
Naging tradisyon na sa maraming deboto na lumalahok sa taunang Traslacion na naka-paa habang lumalahok sa prusisyon.
Iginiit naman ng LRT na magiging mahigpit pa rin ang seguridad sa mga sasakay ng tren kung saan iginiit nito ang
“No Inspection, No Entry” policy.
“The LRT2 will maintain its normal operating hours during the Traslacion 2019. Trips from Santolan and Recto stations will start at 4:30 a.m. The last trip from Santolan station is scheduled at 10 p.m. while the final trip from Recto is at 10:30 p.m.” ayon pa sa advisory.