Mag-syota huli sa P.5M shabu

ARESTADO ang mag-syota na nakuhanan umano ng P.5 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot sa buy bust operation sa Quezon City kaninang umaga.

Naaresto sina Juan Miguel Leona at girlfriend nitong si Dianne Sararana sa Brgy. Pasong Tamo ala-1 ng umaga.

Nakabili ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer kay Leona kaya inaresto ito. Narekober sa kanila ang 85 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P578,000.

Ayon kay Leona siya ay hindi pusher kundi runner lamang. Nadamay lamang umano si Sararana at hindi alam na magbebenta ng shabu ang kanyang kasintahan.

Read more...