Wanted: Bagong members ng SexBomb Dancers


O, ito na ang chance n’yong maging members ng SexBomb Dancers. May pa-audition ang grupo para sa bubuuing New Generation SexBomb Girls.

In-announce sa official IG account ng Sexbomb ang “awwdition” information and requirements, “Become a part of Manila’s Viral Sweethearts and the New Generation of the SEXBOMB GIRLS.”

Bukas ang audition para sa lahat ng girls edad 15 to 20 na magaganap sa January 26 at June 29 sa SB NewGen Studio at Kamias Road in Quezon City. Sa pagkakaalam namin, ang SexBomb Girls ay mina-manage ng J Entertainment ni Jara Cancio (anak ng dating SB manager na si Joy Cancio) at ng original member na si Aira Bermudez.

Read more...