Gretchen napahiya, pakikisawsaw sa kaso ni Nicko Falcis hindi na pinatulan ni Kris


SALUDO kami sa naging tugon ni Kris Aquino sa pakikisawsaw ni Gretchen Barretto sa demandahan nila ng kanyang dating empleyado-business partner na si Nicko Falcis.

Huwag na tayong magpakatanga, sa patutsada ni Gretchen ay si Kris naman talaga ang tinutukoy nitong magtigil na sa pambu-bully, kahit pa parang pako ang aktres na nakatago ang katawan pero nakalitaw naman ang ulo.

Sa halip na resbakan ni Kris ng mga salitang nakapananakit ng damdamin si Gretchen ay mas naging makabuluhan para sa kanya ang pagbabalik sa panahong nangangailangan ng suporta sa eleksiyon ang namayapa niyang ina.

At isa si Gretchen sa mga personalidad na nangampanya para kay Tita Cory, naglaan ng panahon si Gretchen na siguradong kahit paano’y nakakuha ng boto para sa kandidatong ina ni Kris laban sa mga Marcos, ‘yun ang mas pinahalagahan ni Kris.

Napakagandang sagot. Sa halip na kalabanin niya si Gretchen na halatado namang naghahanap ng away ay humakbang nang patalikod si Kris.

Pero sa patalikod niyang hakbang ay binigyan niya ng importansiya ang minsan isang panahong suportang ibinigay ni Gretchen sa kanyang pamilya.

At ganu’n talaga si Kris. Saktan mo na siya, huwag lang ang kanyang mga magulang, huwag lang ang kanyang mga anak at kapatid.

Napakapositibong tugon. Pahiya si Gretchen na umaasang papatulan ni Kris ang kanyang mga patutsada.

Read more...