Pokwang kinuwestiyon sa airport kung siya ang tunay na ina ni Malia

KINUWESTIYON pala si Pokwang sa isang airport sa ibang bansa kung siya ba ang tunay na ina ng kanyang anak na si Malia Francine.

Last Sunday, nag-guest si Pokey sa Gandang Gabi Vice kasama ang kaibigang si K Brosas, at dito nga niya naikuwento ang pagkuwestiyon sa kanya sa airport kung siya ba talaga ang mother ng anak nila ni Lee O’Brian.

“Ito hindi ito chika, totoong nangyari talaga. So pauwi na kami galing San Francisco. Boarding na. Tapos sabi ng ground staff doon, ‘All the passengers with a baby…’ Sabi sa akin, ‘Are you the mother?’ ‘Yes.’

‘Are you sure you are the mother?’ sabi talaga sa akin.

“Buti na lang kasunod ko si Papang (Lee). Sabi niya I will carry (Malia). Ano yon? Talagang naloka ako,

‘Are you sure you are the mother?’” kuwento pa ng komedyana.

“Tawa kami nang tawa hanggang makasakay kami,” dagdag pa ni Pokwang.

Read more...