Tony Labrusca ipapa-deport agad kapag nagtrabaho uli sa Pinas

TONY LABRUSCA

SIGURADONG bantay-sarado ngayon ng Bureau of Immigration at iba pang ahensya ng gobyerno ang kilos at galaw ng hunk actor na si Tony Labrusca.

Ito’y matapos nga ang ginawang pag-iiskandalo ni Tony sa NAIA Terminal 1 last week kung saan sumigaw at nagmura umano ang Kapamilya actor sa harap mismo ng immigration officers.

Hindi pwedeng magtrabaho rito ang binata dahil wala nga itong working permit. Tourist visa lang ang dala nito nang bumalik galing Canada at binigyan lamang ng 30 days para mag-stay sa Pilipinas.

Kaya sakaling mapanood si Tony sa anumang programa sa telebisyon, kabilang na ang mga TV commercial ay siguradong babalikan siya ng mga taga-immigration.

At kung mangyari nga ito, posibleng agad siyang ipa-deport tulad ng nais mangyari ni Department of Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin. Sinabi ng kalihim na mas mabuti kung ipa-deport na lang ang hunk actor kahit na nag-sorry na ito sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Read more...