3 Korean superstars may pasabog sa ‘Ugeumchi’


KOREAN word of the Week: “Najunge bwaeyo” – Nangangahulugan ito sa Ingles ng “See you later” o simpleng “Kita-kits” sa atin.

q q q

Magsasama-sama ang tatlong sikat na Korean celebrities na sina Jo Jung Suk, Yoon Shi Yoon at Han Ye Ri sa inaabangang serye na Ugeumchi.

Huling napanood si Jung Suk sa Two Cops noong 2018, samantalang napanood naman si Shi Yoon sa Your Honor kung saan dalawang karakter ang kanyang ginampanan. Napanood naman last year si Ye Ri sa Switch kasama si Jang Geun Suk.

Kwento ang Ugeumchi ng magkapatid na lalaki na magkaiba ang nanay at magkapatid sa ama. Nagkahiwalay ang dalawa matapos ang isang riot.

Gaganap si Jung Suk bilang mas matandang kapatid na si Baek Yi Kang, na anak ng isang alipin habang Shi Yoon naman si Baek Yi Hyun, ang pinakabatang anak na lalaki sa legal na misis.

Song Ja In naman ang papel ni Ye Ri. Nakatakdang mapanood ang Ugeumchi ngayong unang bahagi ng 2019.

Read more...