Jung Il Woo sabak agad sa historical K-drama pagkalabas ng military


SABAK agad sa trabaho ang Korean actor na si Jung Il Woo matapos na ma-discharge mula sa military noong Disyembre, 2018 sa kanyang comeback historical drama na Haechi.

Makakasama ni Il Woo ang lead actress sa seryeng Black at Hwarang: The Poet Warrior Youth na si Go Ara.

Iikot ang kuwento nito tungkol sa isang prinsipe na may ordinaryong nanay na makikipag-alyansa sa isang grupo ng ragtag para makuha ang trono.

Unang nagpakita sa publiko si Il Woo matapos maging presentor sa nakaraang SBS Drama Awards 2018 kasama si Go Ara.

Bukod kina Il Woo at Go Ara, kasama rin sa bagong seryeng ito sina Kwon Yool, Lee Kyung Young, Park Hoon at Jung Moon Sung.

Ang huling K-drama ni Il Woo ay ang Cinderella with Four Nights noon pang 2016 bago pumasok para sa two-year mandatory militar service. Tumatak naman ang mga role ni Go Ara sa Black at Hwarang na parehong ipinalabas sa ABS-CBN. Mapapanood na ang Haechi sa Peb. 11, 2019.

Read more...