2nd baby nina James Yap at Michela Cazzola bininyagan na, Raymart isa sa mga ninong

BININYAGAN na ang second child nina James Yap at Michela Cazzola na si aby Francesca kahapon, Jan. 6.
Ipinost ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts ang mga litrato nila na kuha sa binyagan sa isang simbahan.

Dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya, kasama na ang mga tumayong ninang at ninong ng bata kabilang na ang aktor na si Raymart Santiago at film producer na si Dondon Monteverde.

“Thank you very much to the Godparents to our daughter. Because of your presence, you made the Baptismal day more meaningful and special. Thank you for being there today, and for the gifts. We truly appreciate and love you,” ang caption ni James sa isa niyang IG photo.

Ito naman ang caption ni Michela sa litratong ipinost niya kung saan makikitang dinadasalan ng pari ang kanilang anak, “I love you my adored princess. Thank you so much my dearest Fr. Han.”

Si Francesca ay ikalawang anak nina James at Michela na ipinanganak noong June, 2018. Ang kanilang panganay na si James ay ipinanganak noong August, 2016. Limang taon na silang magkarelasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapakasal.

Read more...