Sinabi ni Chief Supt. Amador Corpus, director ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ito’y batay na rin sa testimonya ni Emmanuel Judavar, isa sa mga testigo sa pagpatay kay Batocabe.
Idinagdag ni Corpus na pinapatay ni Baldo ang mayor ng siya ay vice mayor pa.
Nag-alok umano si Baldo ng P350,000 sa isang grupo ng mga gunmen para patayin ang dating mayor.
“Gusto niyang magmayor kaagad, so pinlano niya [na ipapatay] si [Gerry] Jaucian. Eh namatay si Mayor Jaucian so [naging] mayor na siya,” sabi ni Corpus.
Namatay si Jaucian dahil sa lung cancer noong Mayo 4, 2018, bago pa umano maipatupad ni Baldo ang plano.
“Pinlano si Mayor Jaucian. Nagkataon lang namatay siya noon,” ayon pa kay Corpus.
Nauna nang sinabi ni Judavar na bahagi siya ng plano ni Baldo na patayin si Batocabe, bagamat umurong nang isasagawa na ang asasinasyon matapos makipagtalo kay Baldo.