5 sugatan, 100 bahay naabo sa sunog

LIMA ang sugatan sa isang sunog na tumupok sa may 100 kabahayan sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas-11:30 ng gabi sa Mauban st., Brgy. Manresa. Agad na kumalat ang apoy sa combustible material ang mga bahay.

Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog na naapula alas-3 ng umaga.

Apat na residente at isang fire volunteer ang nasugatan sa sunog.

Posible umano na nagkaroon ng faulty electrical wiring ang bahay na pinagmulan ng sunog.

Read more...