Scarf na regalo ni Heart sa alagang aso nagkakahalaga ng P40K


NETIZENS are going gaga over Heart Evangelista’s aspin dog named Princess Panda.

Who wouldn’t when she spent quite a fortune dahil ibinili niya ito ng scarf which had netizens admiring.

Kasi naman Panda’s chic scarf came from the famous brand Hermes at nagkakahalaga lang naman ito ng $780 or P40,000. Grabeng magmahal si Heart ng aso, ‘no? Mahal ang kanyang pagmamahal.

“We are really starting to look alike! Princess Panda is my mini-me! #aspin #adoptdontshop,” caption ni Heart sa photo nila ni Princess Panda.

Of course, marami ang nainggit sa aso.

“Pa adopt muna ko kay Heart. Sarap buhay e!”

“Mahal pa gamit ng aso kesa sa tin. Hahaha!”

“Parang gusto ko na lang maging aso ni Heart.”

“Minsan masarap din pala maging dog.”

“Buti pa yung aso may scarf na super expensive.”

q q q

Humahataw ang mga alaga ng kaibigan naming si Dudu Unay.

Ang guwapo niyang talent na si Kimi Hamzic ay kasama sa “OTLUM” bilang young John Estrada.

Medyo familiar na siguro kayo kay Kimi as he has appeared in numerous TV commercials. Kasama rin siya sa seryeng Till I Met You as the young James Reid.

Ang alaga naman niyang si Kent ay magbibida na sa isang pelikula this year mula sa direksyon ni Erik Matti. Co-manage niya ang young actor with Dondon Monteverde’s Virtual Playground management with his other talent Pamela.

Ang talent naman niya na si Monique ay nasa GMA na. Mayroon din siyang dalawang female talents na igu-groom ng Star Magic.

Si Dudu ang naka-discover kay Alden Something. Pina-audition niya ito sa Alakdana at nakuha naman. Nang magkapangalan na siya ay hindi na siya naalala ni Alden. Si Liza Soberano ang biggest discovery ni Dudu na napunta naman kay Ogie Diaz.

Read more...