‘Ito na ang tamang panahon para magpakasal, magkaanak si Sarah’

OO naman. Hinog na hinog na ang edad ni Sarah Geronimo para mag-asawa siya. Napapanahon na talaga para magpakasal sila ni Matteo Guidicelli na mula nu’n hanggang ngayon ay nagpapakita ng magandang layunin sa dalaga.

Napakalaki na ng milagrong nagawa ni Sarah para sa kanyang pamilya. Naitaas niya na ang kalidad ng kabuhayan showcase nila, lahat-lahat ay naibigay na niya, kaya kailangang ang sariling buhay niya naman ang tutukan ngayon ni Sarah.

Wala pa silang ipinapahayag ni Matteo tungkol sa napapabalitang pagpapakasal nila pero kung totoo ngang engaged na sila ay napakaraming magiging maligaya lalo na sa parte ng Popstar.

Ang kasunod ng pagharap sa altar ay ang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya. Kung bibilang pa nang maraming taon bago magpakasal si Sarah ay baka mahuli na siya sa biyahe para magkaroon sila ng anak ni Matteo.

Ilang taon na ba si Sarah ngayon? Ilang taon pa ay hindi na matutupad ang kagustuhan nilang magkaroon ng mga anak na kasabay nilang maglalakihan.

Kaya hiling ng kanyang mga tagahanga ay sige na, totoo na sanang magpapakasal ang kanilang idolo, para makita na agad ng kanyang mga tagahanga ang kanilang pamangkin.

Read more...