Michael Angelo kay Duterte: Gusto ko po siyang tulungan
DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso TV host-actor-businessman na si Michael Angelo ang mga tanong tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa presscon ng ika-13 season ng kanyang programang #MichaelAngelo: The Sitcom sa GMA News TV, nagpaka-honest si Michael Angelo sa mga sagot niya. Isa rin siyang speech writer ng mga kilalang politiko sa bansa kaya natanong siya kung nagawan na ba niya ng speech si Pangulong Digong.
“I hope sana po, pero honestly, walang chance, pero may mga kaibigan ako na nakaupo ngayon sa administrasyon. Nagbibigay po ako ng ilang points sa kanila, kasi alam naman po na medyo tumultuous (natawa) ang pamamaraan din. Wala pong problema kung i-quote n’yo ako,” sagot ng komedyante at inspirational public speaker.
Inamin niyang may mga desisyon ang pangulo na hindi niya nagugustuhan, “I support the President but there are some policies that I cannot…I respect the values for life, but I support the President and in fact nagkaroon ako ng chance to meet him sa Go Negosyo, kung bibigyan ako ng pagkakataon, I’d like to help the president,” pag-amin nito.
Ano naman ang masasabi niya sa napapadalas na “pagbibiro” ng Pangulo kapag siya’y nagtatalumpati, lalo na kapag tungkol na sa mga kababaihan ang paksa?
“Una po kasi siya ang nagsalita no’n. Para sa akin po kasi, siya ang nagsalita, bitbitin mo ‘yung bigat no’n. Pero kung ako ang tatanungin sa mga statement ni Presidente, opinyon niya ‘yun, eh.
“Kaya lang if I were be given the chance to sit and talk to the president, I’ll tell him, ‘you have to be careful, Mr. President because in the rules of public speaking and PR, when you occupy a position of respect and there’s the name ‘Honorable’ before your name, every pronouncement of the president is always official.
“And this time whenever he speaks, he cannot speak na ‘opinion ko ‘to, eh.’ He’s the president, ‘yun ang binabanggit ko sa mga kaibigan ko, to remind the president. I’m sure naman he’s being reminded,” diretsong sagot ni Michael Angelo.
Hindi lang mga pulitiko ang ginagawan ng speech ni Michael Angelo kundi mga taga-showbiz din na humihingi ng payo sa kanya, kabilang na ang mga mag-asawang may marital problems, pero ayaw na niyang banggitin pa kung sinu-sino ang mga ito.
Magsisimula na ang #MichaelAngelo: The Sitcom season 13 sa Jan. 27, 2019 sa GMA News TV. Kasama pa rin dito sina Derrick Monasterio, Betong Sumaya, John Feir, Maey Bautista at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.