Kris Aquino maraming sakit, humiling pa ng 7 years para sa mga anak

KRIS AQUINO

NAIIYAK si Kris Aquino nang inamin nya sa press na humiling siya ng pitong taong karagdagang buhay para sa kanyang mga anak.

Bago ito ay inisa-isa ni Kris ang mga sakit nya.

“Inamin ko po sa inyo that the Chronic Spontaneous Urticaria, that is true. I did not want to specificy kasi Attorney told me huwag mong sabihin ang iyong mga allergies kasi pinapadali mo for your enemies to kill you. But now I can tell you the truth. I am allergic to every medicine that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka.”

Ayon pa sa kanya, ang mga ginagawa na lang ng kanyang mga doktor ay ‘delaying the inevitable’ bagay na hindi matanggap ng kanyang mga kapatid.

Pinakiusapan naman nya ang kanyang mga kapatid na sana ay maging strong sila para na din sa kapakanan ng kanyang mga anak.

“Please don’t make it harder for me cause the boys have to be assured that come what may meron silang matatakbuhan. It’s…alam ko alam nyo yun eh. I’m an imperfect person. But I tried my best to be the best mom I can be.”

Bukod sa Chronic Spontaneous Urticaria, dagdag ding pasakit ang dami ng allergies nya. Halos daw kasi lahat ng bagay sa paligid ay allergic siya. Bawal siya sa mga puno, pollen, at maging sa masyadong dry at mainit na panahon. Nagiging sanhi nito ang pananakip ng lalamunan at nahihirapan siyang huminga.

Nahirapan pa siyang aminin ang mga ito dahil alam nya maraming mga endorsements nya ang aatras pag-nalaman ang kanyang health conditon nya. Katulad na lang ng endorsement nya sa isang kumpanya na halos 15 taon nang nagtatagal. Alam nyang kailangan nyang magresign dito. Nagpasalamat naman siya sa mga taong nakapaligid sa kanya sa pagtulong sa mahirap na parte nito ng kanyang buhay.

Dito na idinetalye ni Kris ang dasal nya na sana ay dagdagan pa ang kanyang buhay.

“Nagalit po talaga ako. Kasi ang pakiramdam ko kukunin ako sa mga anak ko. Pero yun lang ang hiningi ko. God give me the strength to forgive. Just so my sons could have me for just 7 years.”

Kapansin-pansin ding mayroong bukol si Kris sa kanyang leeg pero inunahan na nya ang press dito. Dito na nya kinuwento ang dahilan sa paglipad nya sa Linggo patungong Singapore.

“Alam ko po napansin nyo na may bukol. Meron dito. I didn’t want to reveal this because I couldn’t even tell my sisters. But the reason we’re flying to Singapore tomorrow…I’m getting a PET scan kasi po I have not gained back the wait. I have hypertension, so yung mga gamot para sa auto-immune I cannot take. It’s a day to day struggle.”

“Hindi ako humihingi ng awa sa inyo kasi God has been really good to me. Every single dream I had from the time I was two years old, binigay nya. Pero nanay ako eh. I just want to be alive for the two. I even said kunin na lahat to. Ibigay lang ako sa kanila.”

“At yun siguro ang hindi maintindihan ni Nicko. Alam ko may masasakit akong nasabi sa kanya pero sobrang sakit. Na alam mo na hindi ka sigurado, ilang araw, ilang taon kung ilang buwan ang ibibigay sayo na maging nanay ka pa. You can hate me for everything but those two boys love me unconditionally and I would do everything just to reassure them na lahat gagawin ni Kris Aquino para si Josh at si Bimby may nanay. Hindi na ako galit sayo Nicko. Pero harapin mo naman lahat ng kaso mo. Yun lang. I did not lie. I don’t want to die being accuse as a liar.”

Sa dinami-dami ng mga problema ni Kris ang naging sandalan nya ay ang alaala ng pagiging malakas ng kanyang inang si Cory Aquino. Ina-apply nya raw ito ngayon sa kanyang buhay.

“You know what my mom went through. And it’s exactly 10 years since I lost her. Hindi nyo alam kung anong takot dahil hindi ko hawak. I am also the exact same age as my dad when he had his massive heart attack kaya nabigyan kami ng chance tumira sa Boston. Siguro ngayon maiintindihan nyo na. Pero what has sustained me was the courage I saw in my mother. Because she held on until we were ready.”

“So yun ang pinangako ko. Kahapon pagod na pagod talaga ako but I wanted Bimb to see life can go on. Pinilit ko yung 16 layouts na yun, nanood kami ng sine. Hirap na hirap na po mag-clot ang dugo ko every time na mag-allergy pero tiniis ko lahat yun dahil gusto kong makita ng 11-years old na anak na hindi ako susuko. Bimb, I succeeded. Your momma did not cry. And I just want to say thank you. Because those of you who don’t even know me, you don’t know me personally, you don’t know what I’ve been through and yet sinasabihan nyo ako, dinadasalan nyo ako, Pinagdarasal nyo ako, thank you po.”

PANOORIN ANG INTERVIEW DITO:

 

Read more...