Maangas na female star negang-nega ang image, huling teleserye inalat | Bandera

Maangas na female star negang-nega ang image, huling teleserye inalat

Cristy Fermin - January 05, 2019 - 12:15 AM


PALAGING nagdurusa ang isang kilalang young actress sa pagkukumpara sa kanya sa isang mas kilalang female personality na hindi iba sa kanya.

May sarili siyang identity, pilit niyang inilalayo ang kanyang imahe sa hindi-iba-sa-kanyang babaeng personalidad, pero du’n pa rin ang bagsak ng lahat.

Kuwento ng aming source, “Lalo na sa ugali, she really suffers in comparison. Maganda kasi ang PR ng female personality na ikinukumpara sa kanya, hindi rin ‘yun inirereklamo ng kanyang mga katrabaho dahil mahusay ngang makisama!

“E, siya, ano naman ang mga kuwento tungkol sa kanya? May kaangasan ang girl, palaging nakasimangot, may sariling mundo!

“Palaging napapansin ng mga katrabaho niya na para siyang problemado. Parang bitbit niya sa kanyang trabaho ang pagkainip, kung anu-ano ang hinahanap, samantalang wala pa naman siyang napatutunayan!

“E, ang ikinukumparang girl sa kanya, e, napakarami nang na-prove, pero walang kaangasan, ni hindi nagmamaldita, marunong talaga siyang makisama,” unang chika ng aming source.

Talagang walang-wala siya sa kalingkingan ng kadugo niyang aktres. Pagdating nito sa studio dahil meron din itong show, agad na itong kumakaway sa lahat ng kanyang mga madadaanan, kesehodang wala itong tulog ay talagang nakangiti pa rin.

“E, itong isa, kumusta naman siya kapag dumarating sa set ng serye niya? Wala siyang nakikita, palagi siyang nakayuko na parang lulugu-lugo! Parang meron palagi siyang malaking problema na walang solusyon! Napakalayo niya talaga sa kadugo niyang female personality.

“Ano tuloy ang nangyayari? Waley agad ang serye niya, ipinaglampasuhan ng katapat na show! Ano na ang nangyayari sa career niya kapag ganyan na nasubukan na ng marami ang attitude niya?

“Ang ikinukumparang girl sa kanya, e, very productive, masarap kasi siyang katrabaho, maraming may gusto sa kanya. Naku, mag-aral na lang daw kasi ang girl na itey, mas mabuti pa, dahil parang wala naman sa puso niya ang pag-aartista!

“Sayang! Magandang bulaklak pa naman ang pinagkunan ng name niya! Getlak n’yo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday. Ayaw ni Aling Auring ng ganyan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending