Ken-Rita loveteam pampa-good vibes ng My Special Tatay

PATOK na patok ngayon sa mga Kapuso viewers ang tambalang BoBrey na napapanood tuwing tanghali sa GMA Afternoon Prime na My Special Tatay.

Talagang hooked na hooked na ang buong sambayanan sa kuwento ng My Special Tatay lalo na sa pag-iibigan ng mga karakter nina Ken Chan at Rita Daniela bilang sina Boyet at Aubrey o mas kilala ngayon bilang BoBrey.

E, kasi nga, ang dating mataray at palabang si Aubrey ay nai-in love na kay Boyet na palaging sinasabihang sintu-sinto dahil sa sakit nit sa pag-iisip.

Hinahangaan ng mga televiewers ang “change of heart” na nangyayari ngayon kay Aubrey kaya naman mas minamahal siya ngayon ng tagasubaybay ng MST lalo na ng mga nanay.

Sabi ng isang netizen na nagkomento online, maganda ang nagiging takbo ng kuwento ngayon ng My Special Tatay dahil napakaraming aral ng buhay ang ibinabahagi ng karakter ni Boyet kaya hindi kataka-takang maraming magulang ang natutuwa sa kanya.

At sa pagpasok ng Bagong Taon patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings game at waging-wagi rin sa puso ng manonood.

Read more...