Pag-abswelto kay Arroyo sa kasong electoral sabotage sampal kina Susan Roces at Grace Poe

SUSAN ROCES AT GRACE POE

LAST Dec. 14 was the 11th death anniversary of Fernando Poe, Jr., ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Kung inabot niya ang kanyang kaarawan (Aug. 20), FPJ would have turned 79.

But let us dwell on the living, ang kanyang mga naulilang mahal sa buhay na sina Susan Roces at Sen. Grace Poe.

Last Dec. 17—tatlong araw matapos ang pag-alala sa kanyang ika-11 taon nang pagyao—ay inabsuwelto ng isang hukom sa Pasay City RTC si dating Pangulong Gloria Arroyo at ngayo’y House Speaker sa kasong electoral sabotage.

Inakusahan si GMA ng umano’y pandaraya when she ran (and won) the elections in 2004 kung saan ang mahigpit niyang nakatunggali ay si FPJ.

Sa kasaysayan ng halalan sa bansa, ang marginal na 3.48% na agwat ng mga nakuhang boto ni GMA vis a vis FPJ’s ay sinasabing pinakamaliit. Naniniwala ang mayorya ng ating mga kababayan that it was FPJ who really emerged as the Presidential winner.

Yes, many believed and still believe that Da King would have been the country’s 14th President.

Kung matatandaan n’yo, may video noon ang maybahay ni FPJ patungkol kay GMA saying that the latter did not only steal the presidency once but twice. Nagpupuyos siya sa galit, a sentiment of indignation na nararamdaman din ng lahat.

Eleven years later, hindi kami magtataka kung muling mabuhay ang nanunuot na galit ng marami nating mga kababayan.

Ang mga araw bago natin salubungin ang 2019 augured well for the Arroyos. Hindi pa ba sapat na tinrabaho umano ang pagkakaluklok kay GMA bilang House Speaker, bringing back to her seat of power na ilang tumbling lang uli to the Presidency?

Hindi pa rin ba sapat ang pagiging off the hook ng kanyang anak na si Mikey sa mga kaso on taxes shortly after a new Supreme Court Justice was appointed by no less than the President?

May kulang pa ba sa muling paghahari-harian ni GMA sa Kongreso na umano’y nangrarahuyo ng kanyang mga kapwa kongresista para maipasa’t maipatupad ang isinusulong na federal form of government kung saan malinaw pa sa sikat ng araw na siya at ang kanyang buong angkan ang makikinabang dito?

Hindi pa ba sapat ang pagkakaabswelto rin kay GMA sa mga kaso ng graft at plunder previously? The answer to these questions is obviously NO. Hindi pa nga sapat after Pasay City RTC Jesus Mupas handed down his Dec. 17 decision clearing GMA of election-related charges.

If FPJ must be turning in his grave, ang mga buhay at humihinga pa niyang biyuda at anak must be raising hell. At nauunawaan namin ang ipinaghuhuramentado ng kanilang puso.

Samantala, ang teleseryeng kinabibilangan ni Tita Swannie na FPJ’s Ang Probinsyano is a social commentary dahil sa pagtalakay nito ng mga kaganapan sa ating lipunan, isama na ang gobyerno.

If we may suggest to its creative team, magandang maisingit nila sa kuwento ang tungkol sa mga pandarayang talaga namang nangyayari tuwing eleksiyon.

Read more...