KINAPOS sa pondo kaya imbes na pagka-gobernador ang targetin sa darating na halalan ay nakipagpalit na lang ng pwesto sa kanyang mister na local official ang isang mayamang mambabatas.
Sinabi ng ating Cricket na hindi biro ang ginastos ng mag-asawang pulitiko sa nagdaang 2016 elections.
Napasubo sila sa malaking gastos dahil mistulang binili nila ang suporta ng lahat ng miyembro ng konseho para lamang mapalakas ang kanilang pwersa sa nakaraang halalan.
Iyun ang dahilan kaya naging local executive sa lungsod si mister samantalang nanalo naman sa kanyang huling termino sa Kamara si misis.
Taong 2017 pa lang ay inilutang na nila ang ideya na tatakbo sa pagka-gobernador sinoman kina mister o misis.
Kapag tumakbo sa pagka-governor si misis ay mananatiling mayor si mister samantalang kung mister naman ang tatarget sa pagkagobernador ay tatakbo namang mayor si misis.
Pero dahil kailangan ng mas malaking pondo para higit na makilala sa buong lalawigan ang bil-yonaryong mag-asawa ay kailangan nila ang tamang diskarte.
Hindi mura ang naisip na strategy kaya bumalik sila sa drawing board at doon naisapinal ang plano.
Si mister ang tatakbo sa Kongreso samantalang si misis naman ang kakandidato sa pagka-mayor.
Halos sure na ang panalo ni misis dahil ba-gito at hindi kilalang pulitiko ang kanyang makakalaban samantalang si Mister naman ay gagamit daw ng old tactics na kapapalooban ng money tricks.
Kaya ngayon pa lang ay hindi na raw sila magpapakahirap sa kampanya dahil tulad ng dati may katapat daw na halaga ang bawat panalo nila.
Ang mag-asawang nagsiguro sa darating na eleksyon dahil napasubo sa malaking gatos noong 2016 elections ay sina Mr. H…as in Harry at Mrs. L…as Linlang.