Sunshine kay Macky: Ano’ng nagawa ko para dumating ka sa buhay ko…

SUNSHINE CRUZ AT MACKY MATHAY

FEELING lucky si Sunshine Cruz nitong nagdaang 2018 dahil sa dami ng blessings na dumating sa kanyang career at personal life.

Isa na nga riyan ang pagdating ni Macky Mathay sa kanyang buhay na tanggap na tanggap na rin ng kanyang mga anak.

Pinakilig ng aktres ang kanyang Instagram followers nang mag-post siya ng litrato nila ni Macky sa pagpasok ng Bagon Taon. Pinasalamatan niya ang kanyang boyfriend “for being a wonderful man” hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang mga anak.

Narito ang “love letter” na ipinost ni Sunshine sa IG para kay Macky, “To you who I share the same passion for sneakers, food, fitness, music, movies and love for family, thank you for being there for me and my princesses.

“Know that we truly appreciate you. You are a wonderful person and I often wonder what I have done to deserve someone like you.

“Happy New Year my @mackymathay. Let’s continue to support each other’s dreams this 2019.”

Ang hinihintay ngayon ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ay kung kailan magaganap ang kasalan. Pwedeng-pwede na kasing mag-asawa uli si Sunshine dahil anuled na ang kasala niya sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Idinenay ni Sunshine na engaged na sila ni Macky kasabay ng paglilinaw na ang suot niyang singing ngayon ay “promise ring” lang at hindi pa engagement ring.

Noong ma-interview namin ang akres, ilang buwan na ang nakararaan, sinabi nitong wala pa silang planong magpakasal ni Macky at hindi pa rin nagpo-propose ang boyfriend, “Ay, naku, matagal pa iyan, matagal pa.”

Read more...