Catriona inatake ng nerbiyos sa pagpunta sa New York

CATRIONA GRAY

NINENERBIYOS si Catriona Gray sa pagtungo niya sa Amerika para sa kanyang mga duties and responsibilities bilang 2018 Miss Universe winner.

Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, umalis na nga ng Pilipinas si Catriona para magpunta sa New York City.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng dalaga na handang-handa na siya para sa bagong journey bilang bagong Miss Universe. Ngunit kinakabahan siya dahil winter season na nga sa NY.

Caption ni Catriona sa kanyang IG photo, “Refreshed from a quiet holiday season with my loved ones, I’ve packed up my home in Manila and now I’m ready to move to my new home in New York City!”

“I have to say I’m most nervous about experiencing the chill of NYC in winter but would love to know, what are you recommendations to see, do and eat?!” dugtong pa niya.

Nalungkot naman ang ilang mga pasahero na nakakita kay Catriona sa Centennial Terminal ng Ninoy Aquino International Airport dahil hindi sila nakapagpa-picture sa beauty queen dahil napapaligiran ito ng security personnel.

Kaya naman nakuntento na lang sila sa pagkuha ng photo at video mula sa malayo. Magsisimula na sa second week ng January, 2019 ang mga activities ni Catriona bilang 2018 Miss Universe winner.

Read more...