NATAGPUANG patay ang isang bumbero sa Mulanay, Quezon, Miyerkules ng hapon, matapos nito umanong magbaril sa sarili dahil sa depresyon.
Nadiskubre ang mga labi ni FO3 Carlo Garcia, ng BFP-Mulanay, sa Sitio Parang, Brgy. Mabini, dakong alas-5, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Kinakitaan si Garcia ng tama ng bala sa kanang sentido, at nakuha sa kanyang kanang kamay ang isang kalibre-.38 baril na may isang basyo’t limang bala, ayon sa ulat.
Ayon sa mga kaanak, nawala si Garcia noon pang Disyembre 30. Nang matagpuan ang bangkay ay positibo itong kinilala ng kanyang kapatid.
Naniniwala ang pamilya na nag-suicide si Garcia dahil sa dinanas niyang depresyon.
MOST READ
LATEST STORIES