KRIS Aquino makes a good top national leader.
At bakit ‘ika n’yo? If most leaders withhold information about their health condition, sa kaso ni Kris ay sa kanya na mismo nanggagaling ang kanyang medical bulletin.
This much we know most especially if one becomes the leader of the land, okey lang kung hindi mo man isiwalat ang iyong kalagayang pangkalusugan on the campaign trail.
Pero nakasaad sa kung saang batas that once you’re elected into office ay obligado kang ilantad sa taumbayan ang iyong kundisyon.
Such disclosure law will never be a problem with Kris.
Her recent Instagram post would tell us that apart from her chronic spontaneous urticarial (na nagdudulot ng pamamantal at pamumula ng kanyang balat) ay marami pa siyang iniindang karamdaman.
Nariyan ang hypertension, severe migraine, overproduction of thyroid antibodies at fibromyalgia.
Gamitan man ng medical terms ang mga ito, para sa isang karaniwang pasyente, all that he knows is that his body’s telling him something.
And that something isn’t good.
Apparently, hati ang mga reactions ng netizens sa post ni Kris about her ailments. Pero outnumbered ang mga nagnenega na nagsasabing Kris is simply seeking attention, if not fishing sympathy.
Intindido namin ang punto ni Kris. Sa panahon nga namang naglipana ang fake news sa social media (worse, wasn’t she reported to have passed away noon?), mas mabuti nang manggaling ang medical bulletin right from the mare’s mouth.
That way, matitigil na ang mga ispekulasyon na kadalasa’y mga pangit na panalangin na sana—let’s face it—magkatotoo upon any person.
Personally, we wish no harm on Kris. Wini-wish nga naming sumigla ang kanyang lovelife dahil mukhang sa aspeto maituturing na “Stage 4” ang kanyang sakit.
Feeling namin, once Kris is happy again with a newfound love, all her organs will function again normally.
‘Yung panloloko sa kanya sa pera causing her undue stress is nothing compared to having no inspiration to keep her going.
“Very 60s” man ang dating, Kris needs “kiss-pirin” to make her well.