Sigaw ni Angelica: Gusto ko nang mag-asawa this Year!

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

KASABAY ng pagkalat ng balita na nagpakasal na raw sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, ipinagsigawan naman ni Angelica Panganiban ang wish niya ngayong 2019.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng madlang pipol na ex-girlfriend ni Lloydie si Angelica at naging kontrobersyal nga ang kanilang break-up. Base kasi sa mga social media posts noon ni Angelica, mukhang si Ellen ang dahilan kung bakit naudlot ang part 2 ng kanilang love story.

Ilang beses ding pinaringgan ni Angelica sina John Lloyd at Ellen sa kanyang mga nakaraang interview.

At sa pagpasok nga ng Bagong Taon, ibinandera ng Kapamilya actress ang kanyang hiling for her personal life. Sa pamamagitan ng Twitter, nag-post ang dalaga ng, “Gusto ko mag-asawa this year. Parang ice cream lang hiningi ko eh, noh?”

Sunud-sunod ang naging komento ng kanyang followers na karamihan ay nag-promise na ipagdarasal na sana nga’y nakita na niya ang lalaking maghahatid sa kanya sa altar.

Meron ding nag-post ng mga litrato nila ni Carlo Aquino at nagsabing sana nga ay sila na ang magkatuluyan sa ending. Si Carlo ang sinasabing nagpapasaya ngayon sa dalaga at balitang nagkabalikan na raw ang dalawa.

Pero makalipas lang ang ilang minuto, nag-post uli si Angelica ng, “Nilagnat ako sa last tweet ko. Promise.

Napainom ako ng bioflu.”

Hanggang ngayon ay hindi pa umaamin sina Carlo at Angelica kung sila na nga uli, pero naniniwala ang CarGel fans na matagal nang nagkabalikan ang dalawa. Isa raw sa mga “resibo” ng kanilang relasyon ay ang pagse-celebrate nila ng Pasko together.

Read more...