Lola ni Maymay botong-boto kay Edward: Pero biglang napaiyak! | Bandera

Lola ni Maymay botong-boto kay Edward: Pero biglang napaiyak!

Bandera - January 03, 2019 - 12:45 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

PINAKILIG na naman ng tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber ang milyung-milyong MayWard fans nang mag-aminan ang dalawa sa tunay nilang feelings para sa isa’t isa.

Sa guesting nila sa Tonight With Boy Abunda the other night, inamin ng dalawa na botong-boto ang lola ni Maymay kay Edward sakaling mauwi na sa totohanan ang kanilang special friendship.

Kasabay nito, inamin din ng PBB Lucky Season 7 big winner na minsan na niyang sinuway ang payo ng kanyang lola pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Highschool pa lang sinasabi niya sa akin, kapag may crush ka or may manliligaw sabihin mo ha, ako ang maghuhusga. Sinusunod ko hanggang sa punto na yung first love ko, nasuway ko yung lola ko,” kuwento ni Maymay.

“Kapag hindi mo pala sinunod ang payo ng parents mo, darating sa punto na ikaw talaga makaka-realize na sana nakinig na lang ako,” sey pa ng dalaga.

Saksi ang lola ni Maymay sa closeness nila ni Edward na napalapit na rin sa pamilya Entrata, “Si Dodong (tawag ni Maymay kay Edward) talaga lumapit sa lola ko.”

Singit naman ni Edward, talagang kinausap niya ang lola ng kanyang ka-loveteam at sinabing, “I care a lot about Maymay, and she started crying, teary eyes.”

Dagdag ni Maymay, ang advice raw sa kanila ni lola, “Sabi niya, huwag daw kaming magmadali, kung sakali daw aabot kami sa punto (na magiging kami na) yung blessing daw nila ni Papa Jo ibibigay nila daw yun.” Si Papa Jo ang pumanaw na lolo ni Maymay na super close sa kanya.

Naging emosyonal daw sila ng kanyang lola ng time na yun, “First time po kasi ‘yun (na magsalita ang kanyang lola ng ganu’n), iyak nga po kami nang iyak nu’n.”

Nang tanungin kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, “soulmates” pa rin ang kanilang naging sagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending