Joshua Garcia nag-New Year sa bagong biling house & lot

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Bongga ang pagtatapos ng 2018 for Ngayon At Kailanman star Joshua Garcia.

We saw a short video on his Instagram account which showed him na nakalipat na sa kanyang bagong bahay.

In the photo ay ang daming handa, hindi namin alam kung it was taken before New Year pero na-happy ang JoshLia fans dahil nakunan ng video ang chat ni Joshua with Julia Barretto na nasa US at nagbabakasyon.

Ang daming nag-like sa video na ‘yun and they were very happy dahil natupad na rin ni Joshua ang pangarap niyang house and lot for his family.

Anyway, sa Ngayon At Kailanman ay nagkaproblema na naman si Inno (Joshua) dahil nagtangkang magpakamatay ang kuya niyang si Oliver (Jameson Blake). Nataon pa ang tangka niyang pagpapakamatay sa paglaya ng inang si Stella (Alice Dixson) na nakiusap na ‘wag niyang kitilin ang kanyang buhay.

Samantala, nakiusap naman si Stella kay Inno na hiwalayan na nito si Eva (Julia). Si Eva kasi ang dahilan kung bakit gustong magpakamatay ni Oliver. Selos na selos kasi ito kay Inno na siyang pinili ni Eva.

Read more...