Maine may pinatunayan sa Jack Em Popoy

MAINE MENDOZA, VIC SOTTO AT COCO MARTIN

For the very first time, sa lahat ng mga pelikulang inilaban ni Vic Sotto sa MMFF, aaminin naming dito sa “Jack Em Popoy” kami totoong napahanga sa kanya.

Formula mang matatawag ang tambalan nila ni Coco Martin, plus Maine Mendoza, pero higit kaming na-entertain at naaliw sa mga eksena nila kumpara sa ibang entries this year.

Napaisip nga kami na baka naging “malabnaw” na rin ang aming panlasa pagdating sa Pinoy movie, kaya’t nanood uli kami and we got the same feeling.

Hindi man solid na solid ang pagkakagawa gaya ng ibang action-drama flicks, masasabi naming na-hit ng “Jack Em Popoy” ang target ng pelikula – ang mapasaya ang moviegoers. Napaka-natural kasi ng mga eksena nina Coco at Vic, lalo na si Maine na in all honesty, ay magaling palang artista.

Huwag na lang ninyong pansinin kung sobrang pamilyar na sa into ang mga kasama nila sa movie dahil araw-araw at gabi-gabi n’yo nga silang napapanood sa Eat Bulaga at Ang Probinsyano.

Dito rin namin napatunayan na kering-ker naman pala ni Coco ang maging komedyante without even trying.

Read more...