3 magkakasunod na lindol yumanig sa Davao Oriental

TATLONG magkakasunod na lindol ang yumanig sa Davao Oriental kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 3.6 lindol alas-6:07 ng umaga. Ito ay aftershock ng magnitude 7.2 lindol noong Disyembre 29.

Ang epicenter nito ay 163 kilometro sa silangan ng Governor Generoso ay may lalim na 123 kilometro.

Alas-6:11 ng umaga ay naramdaman naman ang magnitude 3.1 lindol. Ang epicenter nito ay 125 kilometro sa silangan ng Governor Generoso at may lalim na 17 kilometro.

Magnitude 2.7 naman ang naitala alas-6:54 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 147 kilometro sa silangan ng Governor Generoso at may lalim na 14 kilometro.

Walang inaasahang pinsala ang mga pagyanig na ito.

Read more...