Tunay na kaligayahan sa kabila ng madilim na kahapon | Bandera

Tunay na kaligayahan sa kabila ng madilim na kahapon

Susan K - January 02, 2019 - 12:15 AM

MARAMING pinakatatago-tagong lihim ang ating mga OFW. Pilit nila iyong ibi-nabaon’ sa limot at umaasang hindi na nila maaalala pa.
Nang makapag-asawa si Marie, alam niyang iyon na ang hudyat upang huminto na siya sa pag-aabroad. Gayong hindi naman kumukontra ang mister sa trabaho niya bilang OFW, si Marie na mismo ang nagdesisyon na mag-for-good na.
Isa sa nagpakilos sa kaniya ang mga natutunan sa Bibliya nang magsimula siyang mag-aral nito.
Nais niyang paglingkuran ang kaniyang manlilikha at maging simple na lamang ang buhay kapi-ling ng kaniyang asawa.
Wala pa naman silang anak, kung kaya’t matibay ang paniniwala ni Marie na magagawa niya iyon.
At totoo naman, ga-yong hindi pareho ng paniniwala kay mister, suportado naman siya nito at hindi pinagbabawalan sa mga relihiyosong gawain.
Kaya laking pasasalamat naman ni Marie na natagpuan niya ‘anya ang “katotohanan hinggil sa Diyos, sa kaniyang mga layunin at anong pag-asa ang naghihintay para sa kaniya sa hinaharap”.
Ito rin ‘anya ang nagpapakalimot sa kaniyang madilim na pinagdaanan sa kaniyang buhay-pag-aabroad.
Dalawang beses palang nakulong si Marie. Biktima siya ng “human trafficking”. I-binenta siya ng kaniyang recruiter at pinuslit palabas ng bansa.
Sa unang pagkakataon, apat (4) na buwan siyang namalagi sa bilangguan hanggang mapauwi ng Pilipinas. Nasayang na mga panahon iyon, dahil ayon sa kaniya, hindi na ‘anya siya kumita ng pera, sama pa ng loob ang i-nabot niya dahil sa masaklap na kalagayan.
Hanggang sa mapabalik na ng bansa si Marie.
Pero, dahil determinado siyang makaalis, muli na naman siyang sumubok mag-apply.
Katulad din ng dati, turista siyang pinalabas ng bansa at muli, nakulong na naman siya sa loob ng isang (1) buwan.
Pero hindi pa rin ito ang nagpahinto kay Marie. Hanggang sa nakatagpo siya ng isang matinong ahensiya at nakaalis siya ng legal patungo sa Middle East.
Napunta rin siya sa mabuting pamilya at maganda ‘anya ang pagtrato ng kaniyang mga employer pati na ang mga batang inalagaan niya.
Kaya nang matapos ang dalawang (2) taong kontrata, nagdesisyon na rin si Marie na magpakasal na at hindi na nga umalis ng Pili-pinas.
Hindi naiiwasang mapaiyak si Marie sa tuwing naaalala ang kaniyang sinapit sa kaniyang pag-aabroad, ngunit walang katumbas naman na kaligayahan at kapayapaan ang nadarama naman niya ngayon nang pinili niyang mag-pokus sa mas mahalagang bagay, ang kaniyang espirituwalidad, na siyang i-tinuturing niyang tunay niyang kayamanan.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending