Kim pinaasang mananalong best actress kaya naiyak

HOW true naman kaya ang tsikang iniyakan umano ni Kim Chiu ang ginawang pagpapaasa sa kanya ng ilang nasa produksyon ng pelikulang “One Great Love” na isa sa official entry sa 2018 MMFF?

Yes, may chika na pinaasa raw si Kim na magwawaging Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF dahil puring-puri raw ng mga hurado ang pagganap nito sa movie.

Meron pa nga raw nagparating sa Kapamilya actress na mismong si Bong Go na isa sa mga member ng jury ang nagsabing dapat na manalo si Kim dahil sa ipinakita nitong akting sa pelikula. At gaano katotoo na ikinampanya pa raw nito ang dalaga sa iba pang mga hurado?

“May nagtsika pa nga raw na sila ni Dennis Trillo ang mananalo dahil ayon nga raw sa source, bibigyan na lang ng Special Jury Prize sina tita Glo (Gloria Romero) at Manoy (Eddie Garcia),” sey ng aming kausap.

Totoo namang binigyan ng Special Jury Prize si Tito Eddie (at si Max Collins), at nag-best actor nga si Dennis pero ang nanalong best actress ay si Tita Glo, na deserving naman sa trophy.

Kung totoo nga ang chikang ito, masasabi ba nating nagkaroon ng leakage bago pa maganap ang awards night?

Biktima nga ba si Kim dito o may nagpaasa lang talaga sa kanya para ma-depress at sumama ang loob niya?

Read more...